It was really nice to sleep in Baguio because of the cool weather but I dragged myself early in the morning to go to Camp John Hay. The place was really awesome, I loved its serenity. I was wondering why there's almost no one around during that time when I realized it's because of the Grand Float Parade happening in front of SM Baguio, I forgot! T.T
Ang sarap talaga matulog sa Baguio dahil sa malamig na hangin pero pinilit ko pa din pumuntang Camp John Hay kinaumagahan. Ang ganda ng lugar, sobrang nagustuhan ko din and katahimikan. Nagtataka ko kung bakit halos walang tao nung oras na yun nang maalala kong kasalukuyang dinadaos and Grand Float Parade sa harap ng SM Baguio, nalimutan ko! T.T
Sumakay kami agad ng jeepney papunta sa event. Sa totoo lang, di ko alam ang saktong lugar pero papunta sa iisang direksyon ang mga tao kaya sinundan ko na lang din. Di kalayuan, nakita ko na ang makukulay at magagarbong float ng Panagbenga.
Very nice! Each float has its own theme, they are accompanied by people dressed in different costumes. Some of them are celebrities so they really made the audience go crazy in cheering.
Sobrang galing! Bawat isang float ay may sariling tema, meron ding mga kasamang tao na nakasuot ng iba't ibang costume. Yung iba sa kanila mga artista kaya di magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw.
Ang tunay na dahilan baket sinimulan ang Panagbenga Festival ay para magbigay saya sa mga Pinoy lalo na sa mga tiga-Baguio na nawalan ng mga mahal sa buhay at ariarian matapos ang lindol sa Luzon noong 1990. Sadya ngang nagbibigay saya ito hindi lang sa mga resident ng Baguio kundi pati na rin sa mga dumadayong panauhin.
Growing up in Manila, it was so unusual for me to see beautiful flowers so everything I saw there was an eye-candy. This roaring-three-headed-lion really caught many people's attention. It was both great and scary!
Dahil laki sa Maynila, hindi ako sanay makakita ng magagandang bulaklak (maliban na lang kung pupunta sa Dangwa,haha) kaya ganun na lang ang pagkabighani ko sa mga nakita. Umagaw ng pansin ng maraming tao ang ingay ng lion na ito na may tatlong ulo. Nakakatakot pero napakalupet talaga ng pagkakagawa.
This tiger was probably the star of the event.
Ang tigre na ito marahil ang star ng event.
Since there were many tourists, police visibility is very obvious anywhere during the festival.
Dahil madaming turista, kitangkita din ang mga nagkalat na pulis nung fiesta.
After the parade ended, we headed to the Philippines Military Academy (PMA). It was nice to see the uniform clad young soldiers who look so excited to see new faces.
Pagkatapos ng parada, nagpunta kami ng PMA. Nakakatuwang makitang ang mga nakaunipormeng batang sundalo na mukhang sabik makakita ng mga bagong mukha.
At PMA, visitors enjoy taking pictures with military displays such as that huge canon above and this military tank below.
Sa PMA, masayang nagpipiktyur ang mga bisita kasama ng mga gamit ng militar tulad ng kuha ng kanyon sa itaas at tangke sa ibaba.
The last place I visited during my stay in Baguio is the strawberry field in La Trinidad (which is actually in another city. It's pretty far and it's quite hard to ride on a jeepney but to anyone who is excited to see a strawberry farm, it's definitely worth to go here.
Ang huling lugar na binisita ko sa Baguio ay ang strawberry field sa La Trinidad (na nasa kabilang city na). Medyo malayo at mahirap sumakay ng jeepney pero ayos lang kung talagang desidido kang makakita ng strawberry farm.


.jpg)


.jpg)



