Showing posts with label turista o backpacker. Show all posts
Showing posts with label turista o backpacker. Show all posts

Thursday, May 2, 2013

Ang Turista at ang Backpacker, Bow!

                         Masarap talagang maglakbay pero natanong mo na ba ang sarili mo kung anong klaseng manlalakbay ka? Sa post na ito, nilinaw ko (sana nga) ang pagkakaiba ng mga turista at backpacker. Wala naman mas ok sa dalawa dahil depende sa kagustuhan at kakayahan ng tao kung ano dito ang gusto niya. Hindi lahat ng turista ay mayaman at di lahat ng backpacker ay nakabackpack este mahirap. Sadyang magkaiba lang ng hilig at pananaw sa paglalakbay kaya depende na sa inyo kung ano sa dalawa ang gusto mong maging. Pwede ding kombinasyon ng dalawa, sadyang walang pakielaman ng trip (literal na trip yun ah).

Yours truly, the backpacker in high heels. ;)
Turista
Backpacker
Gustong magrelax, chill lang hanggat maari dahil stressful ang araw araw na buhay.  Kaya ayaw din ng nakakapagod na itinerary.
Gustong matuto at tumuklas ng iba’t ibang bagay sa ibang lupain. Halos walang tatangihan na interesting places kahit pa wala ng oras magpahinga.
Pinaghahandaan ng husto ang perang gagastusin para sa travel agency, souvenirs etc.  kahit di ganong pamilyar sa lugar na pupuntahan dahil problema na yun ng travel agency.
Pinag-aaralan ang pasikotsikot sa destinasyon, inaalam di lang ang istorya ng bawat lugar kundi pati na ang pinakamatipid na paraan para makapunta dun at ang mga pinakasulit na bilhin kapag andun na.
Dahil naka-asa sa agency, sila na ang bahala sa oras na dapat gugulin sa lugar. Kung may trip man, pwedeng special trip (mahal) o kasama sa tour group kung saan limitado ang pwedeng gawin.
May baong schedule pero malayang mapapalitan ito depende sa sitwasyon.
Pinipili ang pinakamabilis na paraan para makapunta sa babaksyunan kahit mapamahal.


Mas pipiliin and pinakamurang paraan para makapunta sa destinasyon dahil di lang ang destinasyon ang target. May halaga din kasi para sa mga taong to ang mga makikita, makikilala o marerealize habang bumibihaye, gaano man ito katagal o di kakomportable.
Nakapokus sa kaibigan o pamilya na kasama at bibihira kumausap ng ibang tao.


Di man lahat pero karamihan ay handang  makipagusap kahit kanino (depende din siguro sa itsura ng stranger,hehe) dahil para sa kanila, ito ang paraan para matuto habang naglalakbay. Di rin alintana ng iilan ang makisabay sa kapwa backpacker para mas enjoy and trip at mas makatipid sa gastusin.
Kadalasan, tumutuloy sa mamahaling hotel at kumakaen sa mga sosyal na restoran.


Tumutuloy sa mga mumurahing guesthouse o hotel kapag walang choice. Pwede ding sa airport, 24 hours establishments atbp kung konting oras lang naman ang ilalagi sa lugar. Gugustuhin din kumaen ng espesyal na pagkaen mula sa lugar na kinapaparoonan pero depende sa budget. Kung di talaga kaya, ok na ang baong biskwit at noodles.

                        Ang pinakamahalaga sa lahat - ENJOY YOUR TRIP!


Twitter Badge

Follow me on Twitter