Showing posts with label young Filipino. Show all posts
Showing posts with label young Filipino. Show all posts

Thursday, May 2, 2013

Ang Turista at ang Backpacker, Bow!

                         Masarap talagang maglakbay pero natanong mo na ba ang sarili mo kung anong klaseng manlalakbay ka? Sa post na ito, nilinaw ko (sana nga) ang pagkakaiba ng mga turista at backpacker. Wala naman mas ok sa dalawa dahil depende sa kagustuhan at kakayahan ng tao kung ano dito ang gusto niya. Hindi lahat ng turista ay mayaman at di lahat ng backpacker ay nakabackpack este mahirap. Sadyang magkaiba lang ng hilig at pananaw sa paglalakbay kaya depende na sa inyo kung ano sa dalawa ang gusto mong maging. Pwede ding kombinasyon ng dalawa, sadyang walang pakielaman ng trip (literal na trip yun ah).

Yours truly, the backpacker in high heels. ;)
Turista
Backpacker
Gustong magrelax, chill lang hanggat maari dahil stressful ang araw araw na buhay.  Kaya ayaw din ng nakakapagod na itinerary.
Gustong matuto at tumuklas ng iba’t ibang bagay sa ibang lupain. Halos walang tatangihan na interesting places kahit pa wala ng oras magpahinga.
Pinaghahandaan ng husto ang perang gagastusin para sa travel agency, souvenirs etc.  kahit di ganong pamilyar sa lugar na pupuntahan dahil problema na yun ng travel agency.
Pinag-aaralan ang pasikotsikot sa destinasyon, inaalam di lang ang istorya ng bawat lugar kundi pati na ang pinakamatipid na paraan para makapunta dun at ang mga pinakasulit na bilhin kapag andun na.
Dahil naka-asa sa agency, sila na ang bahala sa oras na dapat gugulin sa lugar. Kung may trip man, pwedeng special trip (mahal) o kasama sa tour group kung saan limitado ang pwedeng gawin.
May baong schedule pero malayang mapapalitan ito depende sa sitwasyon.
Pinipili ang pinakamabilis na paraan para makapunta sa babaksyunan kahit mapamahal.


Mas pipiliin and pinakamurang paraan para makapunta sa destinasyon dahil di lang ang destinasyon ang target. May halaga din kasi para sa mga taong to ang mga makikita, makikilala o marerealize habang bumibihaye, gaano man ito katagal o di kakomportable.
Nakapokus sa kaibigan o pamilya na kasama at bibihira kumausap ng ibang tao.


Di man lahat pero karamihan ay handang  makipagusap kahit kanino (depende din siguro sa itsura ng stranger,hehe) dahil para sa kanila, ito ang paraan para matuto habang naglalakbay. Di rin alintana ng iilan ang makisabay sa kapwa backpacker para mas enjoy and trip at mas makatipid sa gastusin.
Kadalasan, tumutuloy sa mamahaling hotel at kumakaen sa mga sosyal na restoran.


Tumutuloy sa mga mumurahing guesthouse o hotel kapag walang choice. Pwede ding sa airport, 24 hours establishments atbp kung konting oras lang naman ang ilalagi sa lugar. Gugustuhin din kumaen ng espesyal na pagkaen mula sa lugar na kinapaparoonan pero depende sa budget. Kung di talaga kaya, ok na ang baong biskwit at noodles.

                        Ang pinakamahalaga sa lahat - ENJOY YOUR TRIP!


Wednesday, March 20, 2013

Why Pepe?

                         Ano ang pepe? Mali. Sino si Pepe? Si Pepe (nickname) ay walang iba kundi si Dr. Jose Rizal , ang pambansang bayani ng Pilipinas na hinahanggaan kong tunay! Sa sobrang astig niya, minsan napapaisip ako, paano nga kaya kung buhay si Pepe sa modernong panahon? I-add niya kaya tayo sa Facebook? Magbablog din kaya siya kapag gustong magreact sa mga isyung nangyayari sa Pilipinas? Dami siguro nung views! Mag-intagram din kaya siya ng mga masasarap na pagkaen mula sa iba't ibang lugar na pinasyalan niya? Magkakandarapa kaya ang mga multilingual call centers na i-hire siya dahil mahigit benteng lenggwahe ang alam niya?

                         Dahil sa mga nabanggit na pagninilay-nilay, naisip ko ang Modern Pepe (ayusin ang pagbigkas ah!). Bawat isa siguro sa atin ay may taglay na Pepe (mas lalo yatang pumapanget pakinggan). Kung tutuusin, buhay si Rizal sa puso ng bawat Pilipinong nagsisikap pa rin para sa pagbabago at tuluyang pagamot sa tinagurian niyang kanser ng lipunan. Depende na lang satin kung paano natin susundan ang yapak niya. Ako bilang isa sa mga Modern Pepe ay literal na sumunod sa yapak niya nang pumunta ako sa Hibiya Park sa Tokyo, Japan. Doon ko nakita ang marker ni Rizal at doon ko naisipan ang mga nabanggit ko dito.


                        Opo, sa Japan ako nagtratrabaho at nakatira pero bago kung ano-ano ang maisip mo tungkol saken, uunahan na kita, English teacher po ako dito. Isa ako sa kaunaunahang 12 English teachers na pinadala mula Pilipinas noong September 2011. We just made history. Fresh experiences para sa mga first timers sa land of the rising sun. Hayaan niyo po akong ibahagi ang mga saloobin ko tungkol sa iba't ibang bagay na maiisipan ko sa blog na ito. (Diary of a Modern Pepe)





Twitter Badge

Follow me on Twitter